untitled
Nakapagpapabagabag. Minsan tuloy hindi ko alam kung mabuti o masama ba ang naidudulot ng pag-ibig na ito sa akin. Hindi ako nakakapag-isip ng mga bagay bagay maliban sa kanya. Inaabot ako ng tatlumpung minuto bago makapagsulat ng dalawang pangungusap sa aking konseptong papel na kailangan nang ipasa bukas. Puro siya na lang ang sumasagi sa isipan ko: tandang tanda ko pa ang suot niya kagabi nang magkita kami, ang kanyang mga ngiti, tandang tanda ko pa kung paano siya tumingin sa tuwing kakausapin ko siya at tandang tanda ko pa maging ang lahat ng napag-usapan namin. Naaalala ko pa na nanginginig ang mga kamay ko habang kami’y nagkukwentuhan. Teka, naramdaman mo na ba yun?
Ako, ilang beses ko na ring naramdaman yun, at ilang beses na akong niloko ng nararamdaman kong iyon. Minsan tuloy, gusto ko nang sabihin na tantanan na niya ako, pero hindi ko magawa. Ilang beses man akong niloloko, sige pa rin. Nararamdaman ko siya nang di ko namamalayan, at hindi ko naman siya mapigilan.
Lagi ko nang iniisip ngayon kung makakabangga ko ba siya doon sa may kanto, kung makakasalubong ko sa paaralan, o kaya naman makakasabay sa dyip – bagay na hindi ko naman ginagawa noon. Masaya naman ako kahit wala siya, pero sabagay, naging mas masaya naman nung siya’y dumating na.
Kaso, my problema ako. Pa’no naman kasi, sa sampung babaeng nakakakilala sa kanya, lima doon ay may gusto sa kanya. E bakit pa nga ba? Magaling na estudyante, lider, matalino, gwapo, may sense kausap. Kaya nga nanliliit ako kapag kasama ko siya, kapag katabi kong naglalakad pauwi.
Hindi naman daw niya ako ipagpapalit. Di naman raw magbabago ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Ang araw-araw na pagtetext namin kahit magkaiba ang aming network at alam kong marami naman siyang katext na iba, di raw mawawala yun. Natuwa naman ako. Nagulat nga ako nang yayain niya akong kumain labas. At ayan tuloy, kaya ganito na lang ang takbo ng utak ko ngayon.
Teka, kailangan ko nang matulog. Alam ko na magkikita uli kami, sasabihin ko na na pumapayag na ako, para masaya uli ang gising ko bukas. Mag-uusap na naman kami, at matatandaan ko na naman ang suot niyang damit, ang dala niyang ngiti, ang ihahain niyang tawa. Matatandaan ko na naman ang mga usapang iyon – ang mga usapan na ako lamang ang nakakaalam.
Ako at ang nababagabag kong isipan.
nuevebenteuno
10/04/06

0 Comments:
Post a Comment
<< Home