Semplicemente Jerie

Monday, November 20, 2006

twisted

right at this moment, i'm so close to him. i can't see his face, but i truly believe it's him. it's been a while, i never thought of seeing him again. but, i'm so confused. should i ran up to him and greet him? what if i'm wrong and he's not him?...duh..i can't explain what i'm feeling now, i just hope my instinct was right and it is really him. before i leave this hall and walk alone again. and think if it was really him.

Sunday, November 19, 2006

pasensiya...

pasensiya na po sa late na pagpopost ng Biyaheng Trip, sa ibang blog ko pala siya nailagay...d ko na kasi napanood ang video after naming maipass yung project.

yun lang po...:)

Biyaheng Trip

BIYAHENG TRIP
-Leoncio Santos-


May baha na sa loob ng high-cut rubber shoes ko. Ramdam ko rin ang lumalangoy na batute na tiniis kong hindi tanggalin kanina. Kung kailan pa ako nakasabit sa dyip, saka ko pa naisipang tanggalin. Ilang beses ko nang sinubukang kalkalin ang loob ng sapatos
ko, pero biglang umandar ang dyip. Napahawak tuloy ako sa kapitan, kasi baka mahulog ako.

Tang-ina, hindi ko alam kung nananadya na 'tong drayber.

Nginaratan ko ang drayber, "Putang-ina mo! Puno na ako sa'yo!" Tinginan ang mga pasahero. "Fuck you! Anong tinitingin-tingin n'yo diyan?" Binunot ko ang rubber shoes ko, pero hindi ko matanggal. Hinatak ko ang sintas.

Hinubad ko ang rubbershoes sabay hampas nang malakas sa sahig. Talsik ang lamang tubig pero hindi sumama ang batute. Pinasok ko sa loob ang kamay ko, at nanggigigil kong kinurot ang batute. "Putang-ina ka! Ano bang problema mo? Ha?"

Hindi ako makababa ng dyip para magpahinga man lang. Tang-ina kasi, summer na summer tapos biglang babagyo. Nangangawit na nga ang likod at batok ko sa pagkakayuko. Nakakaramdam na rin ako ng tusok-tusok sa talampakan.

Ang backpack at pantalon ko naman,naligo na. Parang bumibigat tuloy ako. Wala na akong magawa kundi lumingon at panoorin ang mga patak ng ulang parang watusing nagsasayaw sa kalsada,at pagtiyagaan ang David Pomeranz tape na malakas na pinapatugtog sa dyip.

Sa mga ganitong panahon, masarap daw magsenti.

Pero sa pagkakataong ito, parang mas gusto ko yatang pumatay ng tao.

"Patayin mo nga ang radyo mo!" Hindi ako narinig ni kupal. Mas interesado pa siyang tirisin ang mga taghiyawat niya sa mukha at gawing pulutan. Parang may sisig na nakababad sa malangis niyang kutis. "Sabi ko, patayin mo ang radyo mo!"

Tumingin pa siya na parang hindi siya ang kinakausap ko. Nabadtrip ako. Padabog akong naglakad sa pasilyo. Maraming nakaharang na tuhod at paa ng pasahero. Puta, wala ako sa mood magtinikling. Tinadyakan ko sila at tinapakan. "Ano aangal kayo?"

Pagdating ko sa harap, sinabunutan ko ang drayber, tapos hinampas ko ang mukha niya sa manibela. Putok ang taghiyawat niya sa noo. May nakuha ako sa bulsa kong bagong tasa na Mongol pencil no.1. Tinuhog ko siya sa bumbunan.

Pinanood kong sumirit ang dugo at brain juice niya. "Sa susunod, lilinisin mo ang tainga mo para magkaintindihan tayo!"

Salamat at may shet na ring bumaba. Ayos na sana, kaya lang, hindi ko alam kung paano ako sisiksik sa makipot na ispasyo. Hindi ko nga maintindihan kung paano nakaupo doon ang matabang pasaherong kabababa lang. Iniluluwa ng upuan ang puwet ko.

Ang katabi ko naman, kumportable pa rin sa pagkakabukaka. Pinasimplehan ko na nga ng mga siko, pero mukhang balak niya talagang panindigan ang pagiging full-time kupal niya. Parang tinutubuan na nga ng daliri ang puwet ko para lang makalambitin sa upuan.

Problema ko ngayon kung paano ko dudukutin ang pitaka ko sa bulsa. Napapaisip tuloy ako kung pareho lang ba ang bayad nang nakaupo pero kalahating puwet lang, o kalahati rin ang bayad?

"Uurong ka ba o hindi?" "Bakit papalag ka?" sabi niya. Nag-ipon ako ng maraming plema sa bibig tapos dinura ko sa mukha niya. Tulala siya. Papalag sana pero biglang siniko ko siya sa bayag. Sapul! Nagdikit bigla ang tuhod niya, at nangisay sa sakit.

Bigla siyang umamo na parang tuta. Hindi pa ako nakuntento. Ginawa kong punching bag ang yagbols ni gago. Pagkatapos nito, hindi na niya maiisipan pang bumukaka uli.

"Siyaman 'yan," hirit ng drayber. Siyaman siya nang siyaman, para namang pare-pareho ang laki ng mga pasahero niya. Naisip ko nga na pabor maging mataba sa mga ganitong sitwasyon. Kasi tuwing uupo ka, para kang si Moises na naghahati sa red sea.

Takot lang ng mga katabi mong madaganan ng pata. Hirap kong inangat ang kanan kong bulsa, at dumukot ng apat na piso. "Bayad ho." Biglang nagtinginan sa ibang direksyon ang mga pasahero. "Bayad ho."

Walang gustong umabot. Sabay-sabay na yata silang nabingi.

Ibinato ko ang barya. Nagkalat sa sahig. Tinginan ang mga pasahero. "Grabe naman 'yun o." Pinagtulungan pa nila ako sa mga tang-inang hirit nila. "Mga putang-ina n'yo, pagod na ako sa kaartehan n'yo!"

Binuksan ko ang siper ko at umikot na parang sprinkler para maihian silang lahat. Sinubukan nilang umiwas pero wala na silang nagawa. Tama lang sa kanila ang panghi ng ihi ko. Ito ang leksyon na naaangkop sa mga kupal na katulad nila.

May nag-abot ng bayad ko sa tsuper. "Sa'n kayo bababa?"

"Sa Banawe ho." Hindi niya ako narinig sa lakas ng kanyang David Pomeranz tape.

"Sa'n?"

"Sa BANAWE!"

"E sa'n ka sumakay?" Putang-ina. Daig pa nito ang nag-iinterbyu sa namamasukan sa trabaho. Baka gusto rin niyang tanungin kung ilang beses akong nagjajakol sa isang araw.

"E bakit ba marami ka masyadong tanong? Sakto na nga ang ibinigay ko sa'yo, pero makulit ka pa rin." "Aba, tarantado ka pala e." Pinara niya ang dyip at bumaba. Baba din ako. Mainit ang ulo ko. Hindi ako aatras sa away.

"Halika ka nga dito," sabi niya. Biglang sumapak ang gago. Buti na lang nakailag ako kaagad. Sinikmuraan ko siya. Nawalan siya ng hininga. Pinuruhan ko. Putok ang taghiyawat sa pisngi, tapos bumagsak sa semento.

Tinadtad ko ng tadyak sa mukha hanggang malagas ang ngipin. Hayaan mong makalbo ang gilagid niya. Gusto kong burahin ang pagmumukga niya, at lihain ang mga taghiyawat niya sa sahig, kaya lang magkakautang-na-loob pa siya sa akin.

Dilaw. ‘Yan ang kulay ng panti ng babaeng naka mini-skirt sa tapat ko. Panay ang pagkrus niya ng hita. Hindi ko maintindihan kung jingle na jingle na siya, at hindi na niya kayang pigilin. O baka naman taeng-tae na siya at dumudungaw na ang organic matter sa puwet niya. Nahalata niya yata ako. Bigla niya kasing pinatong ang shoulder bag niya sa mapang-anyaya niyang pagitan. Sumimangot din siya sa akin. Ako na nga itong nag-aalala sa kanya, siya pa ang mgay ganang magalit.

“Miss, anong pangalan n’yo?” Hindi niya ako pinansin. “Hindi naman sa nambabastos, pero gusto ko lang sanang sabihin na lumalabas ang panti n’yo.” “Fuck you. Manyakis ka,” sabi niya sa akin sabay ngarat. “Miss, nagsasabi lang naman ako ng totoo e. Kulay dilaw nga e.” Sinampal niya ako. “Magsusuot ka ng ganyan tapos magagalit ka. Kasalanan ko ba kung halos makita ko na ang kepyas mo sa suot mong panyolito?” Sasampalin niya sana ako uli, pero nasalo ko ang palad niya. Pinadaan ko ang daliri ko sa hita niya tapos hinatak ko pataas ang palda. Halos mapunit. Nagtaka ako kung bakit parang matambok ang panti niya. Hindi na pala napigilang tumae ng loka. Nabuking tuloy si Ms. Pa-demure. Wala rin palang ethics ‘tong tang-inang ‘to.

“Mama, bayad ho.” Sabi ng isang pasaherong babae na tumatayong patunay nang kung tawagin sa agham ay kombinasyon ng bad genes. Hindi pa niya mabitawan ang compact niyang Avon. Make-up nang make-up, feeling maganda. Salubong naman ang kilay at may bigote pa. Napatingin tuloy ako kung full moon na, kasi parang unti-unti na siyang nagiging werewolf. Para namang linta ang boypren niya, na dikit nang dikit sa syota niyang saksakan naman ng pangit. Kahit yata lasing hindi pagtiya-tiyagaang gahasain ang syota niya. “Hon, nakapunta ka na ba ng Banawe? Grabe yung parlor dun, gusto kong idemanda. Biruin mo, binaboy ang buhok ko. Sinabi ko konti lang ang bawasan, pero bigla na lang gumupit nang gumupit. Tapos noong huli, sabi niya okay lang daw ‘yun, tutubo pa naman daw uli ang buhok ko. Palibhasa puro squatter ang nakatira dun kaya walang kaalam-alam sa fashion.” Tang-inang swanget ‘to. Pati lugar ko nilalait.

“Miss, bakit hindi niyo dinemanda ng arson?” Natigil ang babae sa kakaputak at napatingin sa akin. “Excuse me, what do you mean?” “Sabi ko kasuhan mo ng arson.” “Bakit naman?” “E mukhang bahay ang buhok mo e!” Nabadtrip ang boypren niya. Bago pa siya makasapak, inunahan ko na siya sa gawing kilikili ng brasong dapat ipangsasapak niya sa akin. Nanghina si gago. Nginitian ko lang siya.

Hindi na gumagalaw ang mga sasakyan pagdating pa lang ng Araneta Avenue. Nainip na rin ako, kaya naisipan ko na lang maglakad pauwi kahit malayu-layo pa. Pagbaba ko, tinanggal ko kaagad ang batute sa sapatos ko. Tang-ina, tanggal na rin. Tumambay muna ako sa yosi vendor para manigarilyo. “Isa ngang Philip..Manong bakit ba trapik?” “Puro baha na kasi. Wala na ring makadaan sa Araneta kaya nagsimula nang magcounter-flow.” Biglang natalsikan ako ng tubig. May tarantado kasing nagmamaneho na nalubak sa pagpupumilit sumingit. Para kasing gago. Poporma-porma pa ng kotse na parang eroplano, tanga namang magmaneho.

May nadampot akong tubo sa bangketa. “Putang-ina mo.” Hinampas ko ang windshield niya. Nagkalamat na korteng bahay ni Spiderman ang salamin. “Hoy ano’ng ginagawa mo?!” Hinampas ko uli hanggang tuluyang mabasag at gumuho ang salamin. Tumuntong ako sa hood. “Putang-ina ka! Kung umasta ka parang ikaw ang bida sa kalsada. Kahit bumabagyo, gusto mo pa ring manggulang! You stupid capitalist motherfucker!” Tinubo ko nang tinubo ang ilong niya hanggang pumutok. Ayos yan. Mangangati iyon mamaya pero hindi niya makakamot sa sakit.

Wala na akong magagawa kung hindi ang sumugod sa baha para lang makauwi. Tutal basa na rin ako, wala nang mawawala sa akin. Tinesting ko ang lalim ng baha. Hanggang baywang. Sige sugod. Tang-ina, tumatayo ang balahibo ko sa lamig.

Maya-maya biglang nagkaalon at natangay ako. Para akong nasa beach. Natisod pa ako kasi hindi ko nakitang may lubak pala. Napalublob tuloy ako hanggang leeg. Ito na yata ang pinakabullshet kong araw. Ilang beses ko na yatang nasabi 'to.

Ayaw ko nang isipin kung ilang ulit pang kikislap ang araw na parang xerox-machine na magrereproduce ng lahat ng kakupalan sa mundo. Ngayon, inaalala ko muna kung ilang tae ng aso ang nabilang ko sa kalyeng 'to kanina, at kung ilang daga na ang nalunod.

Tuwing nakakakita ako ng lumulutang na supot ng basura at balat ng kendi, napapamura na lang ako. Pakiramdam ko, pinapasok ako ng lahat ng mikrobyo at dumi ng tao.

Tang-ina, pag-ahon ko dito, babawi din ako.

Sunday, October 15, 2006

All Alone. And Sick.

What a funny way to start my week and my semestral break.

I'm all alone in our boarding house, one of my boardmate already went home, and the other went to Cavite for some reasons that I don't know. God, I slept alone last night (i don't think it was last night because it's actually 3 am already). Well, at least I fell asleep with the music of Guns'n Roses in my ears.

It's been another terrible day for me. I slept at 3, then woke up at 7. I hung my clothes which I've washed last night. Then i slept again by 8 and woke up around 10. By 11 am - I have this crazy and irritating colds.

And now I'm sick. I have a terrible headache (but still manages to log in the internet for the sake of my last project). I already bought some medicines and I hope I'll get well soon.

At least I'm not really alone. I have my dogs with me. And they'll help me get through this. :)

Saturday, October 14, 2006

I'm Just Missing You

When you can’t help but miss somebody so bad, you go insane.

Is this the price I’m going to pay for being so overwhelmed in the past few weeks? Gloom. Emptiness. Chaos. I don’t know if my mind is still working properly in the last two hundred and forty four hours – since the last time I’ve stared at his lovely face. A lot of things have been bothering me – especially the thought that we won’t see each other anymore, that we might not be able to talk like the way we used to before. Crazy. Disturbed. Lonely. That’s what I am the moment our eyes have said goodbye to each other. I feel like a sea losing its waves, a star losing its bright, a tree losing its leaves, a baby losing its life. Helpless. Sometimes I feel like a bundle of bad luck on love has been cast upon me, sometimes I thought I should give up these entangled feelings, and worse, sometimes I thought I should give up on love itself. But there’s this thing that keeps me holding on, that gives me hope that someday we’ll bump into each other at the school corridor, that somewhere we’ll be seated close to one another, that someway we’ll have the chance to talk and chat with each other again, that somehow I’ll be able to hear his voice singing his song once more. This thing might be infatuation, love, admiration. I can’t explain. But whatever this thing is, it’s the main reason why I’m feeling this painful feeling right now – the feeling of wanting to look at him again, of wanting to touch him and feel his presence around me, of wanting to see his gentle eyes and brilliant smile, the feeling of being able to listen to his stories again, to joke and laugh with him. This feeling of wanting him back again. This feeling of missing him.


nuevebenteuno
10/14/06

Wednesday, October 11, 2006

untitled

Nakapagpapabagabag. Minsan tuloy hindi ko alam kung mabuti o masama ba ang naidudulot ng pag-ibig na ito sa akin. Hindi ako nakakapag-isip ng mga bagay bagay maliban sa kanya. Inaabot ako ng tatlumpung minuto bago makapagsulat ng dalawang pangungusap sa aking konseptong papel na kailangan nang ipasa bukas. Puro siya na lang ang sumasagi sa isipan ko: tandang tanda ko pa ang suot niya kagabi nang magkita kami, ang kanyang mga ngiti, tandang tanda ko pa kung paano siya tumingin sa tuwing kakausapin ko siya at tandang tanda ko pa maging ang lahat ng napag-usapan namin. Naaalala ko pa na nanginginig ang mga kamay ko habang kami’y nagkukwentuhan. Teka, naramdaman mo na ba yun?

Ako, ilang beses ko na ring naramdaman yun, at ilang beses na akong niloko ng nararamdaman kong iyon. Minsan tuloy, gusto ko nang sabihin na tantanan na niya ako, pero hindi ko magawa. Ilang beses man akong niloloko, sige pa rin. Nararamdaman ko siya nang di ko namamalayan, at hindi ko naman siya mapigilan.

Lagi ko nang iniisip ngayon kung makakabangga ko ba siya doon sa may kanto, kung makakasalubong ko sa paaralan, o kaya naman makakasabay sa dyip – bagay na hindi ko naman ginagawa noon. Masaya naman ako kahit wala siya, pero sabagay, naging mas masaya naman nung siya’y dumating na.

Kaso, my problema ako. Pa’no naman kasi, sa sampung babaeng nakakakilala sa kanya, lima doon ay may gusto sa kanya. E bakit pa nga ba? Magaling na estudyante, lider, matalino, gwapo, may sense kausap. Kaya nga nanliliit ako kapag kasama ko siya, kapag katabi kong naglalakad pauwi.

Hindi naman daw niya ako ipagpapalit. Di naman raw magbabago ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Ang araw-araw na pagtetext namin kahit magkaiba ang aming network at alam kong marami naman siyang katext na iba, di raw mawawala yun. Natuwa naman ako. Nagulat nga ako nang yayain niya akong kumain labas. At ayan tuloy, kaya ganito na lang ang takbo ng utak ko ngayon.

Teka, kailangan ko nang matulog. Alam ko na magkikita uli kami, sasabihin ko na na pumapayag na ako, para masaya uli ang gising ko bukas. Mag-uusap na naman kami, at matatandaan ko na naman ang suot niyang damit, ang dala niyang ngiti, ang ihahain niyang tawa. Matatandaan ko na naman ang mga usapang iyon – ang mga usapan na ako lamang ang nakakaalam.

Ako at ang nababagabag kong isipan.


nuevebenteuno
10/04/06

Thursday, October 05, 2006

helluva week...

i can't believe i'm still outside this late. it's 11:32 in my watch and yet i couldn't go home.

i need to finish this report.

i still have loads of stuffs to do - paperworks, written report, group presentations, examinations, group projects. wow! how come i didn't feel tired at all?

i guess it's because i'm loving what i'm doing despite the fact that they are so many. i'm enjoying every bit of it, and that pushes me to keep going.

so, i should be going now. and finish this freaking report. :p

Tuesday, October 03, 2006

SEMBREAK


Habang patuloy na pumapatak ang malakas na ulan sa labas, habang paunti-unting nauubos ang tinta ng bolpen kong ginagamit habang sinusulat ito, patuloy din sa paggalaw ang kamay ng orasan na nasa tabi ko.

Oras. Di tulad ng paghinto ng ulan sa aking bintana, ng paghihingalo ng bolpen kong gamit, ng pagtigil ng kamay ng orasan kong mahina na ang baterya – ang oras ay di ko mapatigil sa pagtakbo.

Ang bilis bilis niya, ni hindi ko man lamang namalayan.

Bukas, makalawa, wala ka na: isang pag-ibig na hindi man lamang nadugtungan, isang pag-ibig na agad agad mawawakasan. Malapit na akong magpaalam sa ngiting araw-araw kong pinagmamasdan, sa tinig na laging nagpapasaya sa akin, at sa mukhang bawat sandali ay nasa aking isipan.

Ngayon, nagsisimula ko nang bilangin ang mga nalalabing araw na makikita ka, kasabay ng paulit-ulit kong pakikinig sa kanta mo. Hindi mo alam na paborito ko na ito ngayon, hindi mo kasi ako pinapansin noon. Ano ba naman ako sa mata ng pinakamagaling na estudyante sa klase natin? Sa pinakahuwaran at pinakamasipag mag-aral? Makornihan ka na, pero sa paningin ko, ikaw ang langit – at ako ang mas mababang langit – sa klaseng iyon. Kaya naman hindi ko magawang batiin ka sa tuwing makikita kita. Ilang beses na rin pala kitang nakatabi subalit nahihiya ako sa iyo. Pero nalaman ko rin kinalaunan, mabait ka naman pala. At ang langit, naaabot din naman.

Nuwebe bente uno. Hindi ko maipaliwanag ang galak na nadama ko noong araw na makausap ka nang matagal at makita ka sa di inaasahang pagkakataon. Napagtanto ko, hindi naman pala puro kamalasan sa buhay ang nakukuha ko. May isa pang swerte – at ikaw yun.

Ikaw ang naging liwanag sa dilim na bumalot sa akin dulot ng sawing pag-ibig. Hindi mo alam na sa iyo ko kinukuha ang lahat ng aking lakas ng loob, ikaw ang naging inspirasyon ko.

Subalit ngayon, malapit nang dumating ang araw ng pagtatapos, ng pagtatapos ng mahigit apat na buwang pamamalagi natin sa 416. Ang mga tawanan, ang mga asaran at kulitan natin, ang lihim kong pagngiti kapag tumitingin ka, ang kilig na pilit na itinatago kapag lumalapit ka – lahat ng iyon ay magtatapos na.

At kapag dumating ang araw na iyon, malulungkot ako pero lubos na ipagpapasalamat na nakilala kita. Para saan pa ang pagluha, dahil alam ko – at hindi na kailangang umasa – na tayo ay magkikita pa.

nuevebenteuno
10/02/06